Saturday, February 24, 2007

MENSAHE NI TRILLANES

MESSAGE OF ANTONIO F. TRILLANES IV
GO Proclamation Rally
February 24, 2007


Maraming salamat po sa mga naririto ngayon at sa lahat ng mga sumusuporta at naniniwala sa mga ipinaglalaban namin sa Genuine Opposition

Ipagpaumanhin po ninyo at wala ako dito ngayon upang ipahayag ng personal ang mensaheng ito dahil hanggang sa ngayon nakakulong ako at ang aking mga kasamahan. Kung natatandaan ninyo, ibinunyag namin sa Oakwood noong 2003 ang iba’t ibang katiwalian sa gobyerno at sa AFP na nagdudulot sa walang katapusang digmaan sa Mindanao at ibang lugar sa Pilipinas. Ngayon, tatlo’t kalahating taon ang nakalipas, nandiyan pa rin ang katiwalian kung kaya’t nandiyan pa rin ang digmaan. Marami nang namatay at marami pang mamamatay; kailangan po nating tapusin ito. Iyan po ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ako tatakbo bilang senador.

Marami na po akong inihandang mga panukala na sumasakop sa iba’t ibang adhikain gaya ng: anti-corruption, poverty alleviation, peace and order, at education. Subalit ako ay naniniwala na habang nakaupo si GMA, wala po ni isa sa mga panukalang ito ang natutupad dahil wala sa puso niya ang kapakanan ng mamamayan. Napatunayan na natin ito sa pamamagitan ng anim na taong paghihirap simula ng umupo siya noong 2001. At narinig mismo natin sa “Hello Garci” kung gaano kagahaman sa kapangyarihan si GMA. Wag na po tayong umasa na magbabago sya. Sa madaling salita: walang kapayapaan at walang pag-unlad habang nakaupo si GMA.

Kaya naman kung papalarin at mahalal ako bilang senador, ngayon pa lang ay sasabihin ko na ang boto ko sa impeachment court: GUILTY. Guilty si GMA sa pagsisinungaling, pandaraya at pagnanakaw. Guilty rin sya sa pagpatay, pang-aabuso, pang-aapi, at pagpapahirap sa mga mamamayan.

Ganyan po kahalaga ang boto natin sa darating na halalan. Nais ba nating mapanatili si GMA at magdusa ang bayan habang nakaupo sya? O simulan ang pagbabago sa pamamahala na walang ibang hahantungan kundi ang minimithi nating kapayapaan at kaunlaran.

Tandaan natin na ang kapalaran ng ating bansa ay nasa ating mga kamay.

Mabuhay!!

4 comments:

Luisa said...

i think it's heroic..they had no choice..they need to be heard..

Anonymous said...

A reminder: the candidate held unarmed civilians hostage including children. why not debate instead of removing critical posts? democracy is debate not censorship! or does the candidate really have something to hide. come on show courage and debate!

Anonymous said...

A reminder: the candidate held unarmed civilians hostage including children. why not debate instead of removing critical posts? democracy is debate not censorship! or does the candidate really have something to hide. come on show courage and debate!

taisisun said...

Mabuhay ka Sir ANTONIO TRILLANES !!! Unang pangalan mo ang iboboto ko !!! 2 THUMBS UP !!! Mahal ka naming mga kabataan !!!